Review Construction Bond

Review for:
Homemark Inc.

1.0
Construction Bond
Year 2009 kumuha ako ng bahay sa Homemark, Greenpark Villas yung name ng subdivision. 2010 na turn over yung bahay. Pagka turn over pinagawa ko yung likod ng bahay kasi nakabukas sya at ganun din ang ginawa ng ibang kapitbahay. Dahil malayo ang trabaho ko hindi ko muna tinirhan yung bahay pero dinadalaw ko at every now and then may pinapagawa ako. This year nagdecide na ako na tumira sa bahay at bawal ko daw ipagawa dahil may construction bond. Magbayad daw muna ng 11K for minor construction at 16k for major operation. Dahil nakabili na kami ng materyales wala akong nagawa kundi bayaran yung construction bond. After ilang bwan, nagpunta ako sa office nila sa Greengate para mag refund ng construction bond. May pupunta daw engineer para tingnan kung sumunod sa mga patakaran nila. Pagpunta ng engineer sa bahay, may violation daw kami kasi dapat daw may bukas sa likod ng bahay which is imposible dahil pader na yung ng kapitbahay at napagawa ko yung likod ng 2011 ng wala pang sinisingil na contruction bond. Hindi ko naman yun pwedeng ipagiba para marefund ko yung 10k. Another violation daw is nagpagawa ako ng fence which is major construction daw. Matagal na din nakasemento yun at pinalitan ko lang ng bago ang fence at pinapinturahan. Ang tagal na akong nagpapagawa dahil napaka basic lang naman ng bahay ng Homemark. Kaunting improvement para maging maayos naman. Nakakapagtaka lang na bigla silang nagpatupad ng construction bond at napakahirap ma refund.
PUBLIC USER
Naku, modus cguro nila yn. Kc ung ofis mate q ganun dn sinabi my violation. Kya d nya na erefund ung bond nya kng gusto dw marefund gibain ung pinagawa. Anong klaseng utak mron At ganun sasahurin sau. Pano m nman lalagyan ng siwang s likod kng pader n dn un ng kapitbahay mo. Dahilan n lng nila un. Cguro ayaw talaga nila mgpa refund knila n ung bond.

Reply to Review

Sign-in Required

Please sign-in or register in order to reply to this review.

Sign inRegister