Review Why you shouldn't work in Air Filters-Barcol Air Philippines:


2.0
Why you shouldn't work in Air Filters-Barcol Air Philippines:

Kapag nakakalat ang gamit mo, tatangayin nila nang walang paalam para itapon yun
Palagi silang nagtatanggal ng quotation at sales staffs, kadalasan short-term o slight reasons
Yung multi-tasking nila ay yung main job ng iba. Feeling ng iba tuloy, inaagawan mo sila ng trabaho. Papagawa nila sayo yun kahit bago ka pa lang .
Kahit di ka trained sa isang specialty, papagawa nila sayo yun. Example kung helper ka, pinapagawa ng sa electrical kahit wala silang alam dun.
Konting pagkakamali mo, makakatikim ka ng sarcasm dun sa kalbong boss.
Pwede kang magtanong sa boss pero siguraduhin mo na worth it yung itatanong mo kundi makakatikim ka ng sarcasms o patutyada.
Sobrang dumi ng toilet para sa employees. Walang flush.
Kapag bago ka pa lang, kapag nagtanong ka sa iba, ililigaw ka nila at di mo sila pwedeng sisihin dahil kasalanan mo yun, naniwala ka sa kanila dahil bago ka pa lang. Dapat yung boss lang ang lagi mong susundin. One of their games.
Ieengganyo ka nila na mag-stay sa pamamagitan ng kotse na ipapahiram ng kompanya at seminars sa abroad. Yun ay kapag naka-2 taon ka na o mahigit sa kanila o nasa sales ka.
Naghahari-harian yung mga warehouse boys at di mautusan dahil mas matagal na sila kesa sayo. Laging may mga dahilan at nagtuturuan kapag inutusan mo. Mga walang hiya yung iba.
Less than 25 ang staffs.
Kapag ayaw na ng boss sayo, iitchapwera ka na sa mga meetings. Ibig sabihin malapit ka nang matanggal. Kung maganda performance mo, naghihintay lang sila ng good reason kung bakit ka nila tatanggalin.
Konting pagkakamali mo, tanggal ka na. No 30-days grace period kahit under probation ka pa. Right on the spot.
Nagtuturo pero di nila ieexplain sayo lahat, bahala kang magdiscover sa sarili mo. Once na natuto ka, kanya-kanya na.
There's no sense of rankings dahil kahit yung mga bagong hired pwede kang utusan at bawal kang tumanggi.
Mahihirapan kang ibenta yung products nila na vavs (variable air volume) at ervs (energy recovery ventilator) dahil mga big time corporations lang ang nakaka-afford at may kailangan nun. Yung flexible ducts nila masyadong general at meron na din ang ibang companies na nagtitinda nun.
Namemersonal yung boss at nangmamaliit ng empleyado kapag di nya gusto ugali, personality o performance mo.
Tipid sila pagdating sa reimbursements. Kung sumobra ka ng P250+ sa gastos sa business trip, ibabawas nila yun sa sweldo mo.
Limited ang overtime nila. Nagtitipid kasi.
Kung termination ang naging hatol sayo, sa boss mo kukunin last salary mo.
PUBLIC USER
Hi! From what branch are you? I was about to apply in Barcol-Air Philippines.

Reply to Review

Sign-in Required

Please sign-in or register in order to reply to this review.

Sign inRegister