Review Worst Experience


1.0
Worst Experience
What would you feel if your doctor tells you, “wag nyo na ipa-autopsy si baby ah.”? Those are the exact words I heard from this ob. The ob who’s supposed to help you during your pregnancy and when you’re in labor. The ob who you can rely on when things are going wrong. Your baby was trying to hold on to his dear life but we were told he died. And what did this ob did? Tell us that and charged us with her professional fee of more than P20k. Baka nga sabihan pa niya na discounted na un. And what did she do? She only did the stitching and IE just to stop my bleeding - I was bleeding to death and even the private hospital I was admitted to hindi man lang napansin. My son died the day I gave birth to him. Hindi ko alam kung anong ginawa ng ob na ito para sabihin niya sa min ung mga salitang yan pero sigurado ako na may kapabayaan siya pati na din ang hospital. And pinainom niya ako ng primrose at 36 weeks, only to find out na dapat at 37 weeks onwards dapat iniinom un. A few days after my last check-up (36 weeks), naglabor ako kaya premature ng 2 days baby ko. And sabi niya cause ng death ay dahil sa risky na dahil 38 na ako tapos May preeclampsia (though borderline naman bp ko) pero hindi un ang nagcause sa pagkamatay ng baby ko. At pagkalabas ng baby ko, nakita un umbilical cord niya nakapulopot sa leeg niya, which is hindi daw. Pinanganak ko anak ko na walang anesthesia at dahil nagmarites pa mga staff at wala pa itong ob na ito dahil i-cs na ako, nauna pang lumabas ang anak ko thru normal delivery. Dumating ako sa er na may heartbeat pa anak ko pero dahil sa matagal ang mga staff sa hospital, naghintay ako ng matagal hanggang sa wala na daw sila marinig na heartbeat. This took me a lot of courage to post this and until now, pinagdadasal ko na wala ng ibang makaranas ng naranasan ko. Un sanang unang anak ko, nawala pa. God bless na lang sayo, dra.

Reply to Review

Sign-in Required

Please sign-in or register in order to reply to this review.

Sign inRegister