Tsk tsk tsk! I can only click my tongue out of disgust. Hindi naman dati ganito ang Merex. Ang ganda ng serbisyo dati dahil ilang beses na din ako nagpadala pero iba na pala ngayon. Nire-recommend ko pa naman sa mga kakilala ko tapos ako pala makakaranas ng nakakabwisit na experience. 8 tao yung nasa list na pwedeng tawagan for pick up. Pero 4 dun busy daw at yung 4 hindi makontak. Understandable kung talagang busy. Sunday ako tumawag para maisama sa air cargo ng Tuesday. Late na raw ako tumawag dahil busy na daw sila. So sabi ko, kahit yung aalis ng Thursday sir kahit doon isabay. Marami raw sila pipick-upin. So nagpapa-schedule ako kung kelan mapi-pick-up yung sa akin. Basta daw tatawagan na lang ako. Monday, ganun pa din. Nagtuturuan pa. Ibang agent na lang daw tawagan ko at busy daw sila.
Tuesday, may naka-usap akong isa, busy daw siya kahit TFC ang background ng ingay pero isisingit daw nya ako kaya nag thank you pa ako. Itxt ko daw sa kanya yung address at pupuntahan nya. Hindi daw siya pwede ng gabi kaya sabi ko nman 1:30-2:30 lunch break namin. Ask ko sya kung mapupuntahan ba nya ngayon or kinabukasan. Hindi nagreply. Tapos 1:14 tumawag sa akin, nasa bahay na daw ba ako? Sabi ko, wala pa sir. Wait lang lunch ako ng maaga para makuha nyo. Pagdating ko ng bahay, tinawagan ko siya at ni-inform na nasa bahay na ako. Sige daw. 2:30pm na wala pa. So tumawag ako uli kung pipick upin nya. Sabi nya wala daw siyang gasolina. 5pm pa daw magbubukas yung gas station at kunin daw nya ng 6pm. Sige kako sir. Pagdating ng 6pm, tinawagan ko siya kung sure na kukunin nya kasi lagi ako pinag-eextend ng boss ko. Makikiusap lang akong uuwi ng maaga para makuha yung cargo ko. Sabi nya, tatawagan na lang daw nya ako. Sabi ko, sir kasi kung ngayon nyo kukunin, magpapaalam ako sa boss ko na hindi muna ako mageextend. Sabi nya, Diba sabi ko nga tatawagan kita. Tsk tsk.. siya pa galit.
Ano ba naman mga pick-up agent nyo? Lahat tamad, lahat bastos. Hindi na ako uulit sa Merex.
1.0
iMerex Group of Companies, Inc, Imerex TrackingBlock 1, Lot 1, Dr. Arcadio Santos Avenue, Sta Rita Village, Sucat, Paranaque City8826 4475, 8826 0472, 8856 7933, 8825 5728https://www.businesslist.ph/img/ph/n/_1541676260-86-merex-forwarders.jpg
1