Review Very disappointing experience... nakaka asar


1.0
Very disappointing experience... nakaka asar
10% DP kapag nabayaran mo sisimulan na daw ang construction 6 mos pede na mag move in.... 90% daw malo loan mo sa bank financing... lahat kasinungalingan..
Fully paid ng 10% dp last feb 2017... but up until now di pa maayos yung bahay... ikaw ang mag aasikaso ng tubig sa halagang 6000 DEEP WELL pa... (I heard 3500 lan sa lancaster)... 6000 sa kuryente 2 weeks daw kapag ikaw ang magprocess at mininum one month kapag sila ang nagprocess.. at di mo yun mapaprocess hanggang di ka nakakabayad ng move in fees... at mapapoprocess mo sya several weeks after pa ng settlement ng money ng move inn fee.. 12k+ lahat yun
pag ibig at bank financing... di sila nagpapaloan ng 90% value ng bahay... up to 80% lang sila... ang mangyayari pababayaran sayo ni masaito ang remaining 10% with 10% interest payable within 6 months... ang dugas di b..
Pagplan mo magpa improve ng bahay... ask ka sa kanila ng lot plan at building plan sa halagang 2000.. take note bayad muna bago processing ng request... di sila kikilos hanggat di ka nakakabayad... after ng bayad saka pa lang sisimulan ang pagprocess at up to 2 weeks ang releasing... ang tagal di b... di sila makapagprovide ng copy ng plan... samantalang dapat ang plan ay already available upon building the house....
Up until now di pa rin kame makalipat sa binili naming bahay nagbabayad na kame sa bank.... di namin mapaayos dahil bawat requirements nila 2 weeks ang timelines... kung alam ko lang na ganto... di na sana ako dito bumili ng bahay... sabi ng agent sa akin since semi rfo yung property mas mabilis maprocess... walanghiya mag isang taon na di pa rin gawa... paid ko na abg buong 20%... di pa rin sya tapos....
PUBLIC USER
Same story with me, so it means that they really have a big problem,maybe all of us can form an alliance, then lets go to media like tulfo
PUBLIC USER
Sa mga owners ng bahay na may cr sa taas..check nyo yung bahay nyo if may manhole para sa taas na cr.. kase kapag nagbara yung cr sa taas walang way para madeclog yun... babaha sa taas ng bahay nyo... ganyan ang pagkakagawa ng bahay namin... ilang beses na namin sinasabi sa admin... ipapacheck lang ng ipapacheck sa contractor... wala namang aksyon..

Until now.. di pa rin nagagawa na iaayos yung kapalpakan sa bahay.... di pa namin natitirahan ang bahay nasira na yung mga lababo sa cr natulo na....

Yun kuryente sinabi na namin na 1.5hp ang aircon na ikakabit.. ayun palpak hannggang 1hp lang daw ang nagawa ng kontraktor....

Sana magbasa ng review ang mga bibili dito sa masaito.. magdalawang isip kayo.... nagsisi na kame sa pagbili dito....

Dapat talaga ipatulfo na toh eh.. mandurugas eh..
PUBLIC USER
Hi Thank you so much dito, actually nag file na ako ng reklamo sa HLURB against Richfield Properties Inc. Nagkalakas loob po ako dahil sa mga comments ninyo dito. Actually may mga nakausap pa din ako na same ang naranasan. Tungko ito sa turn over ng unit ko. Pinipilit ako ng Masaito staff na lumipat na sa bahay na walang CR, madaming tae, sabog na electrical wirings. Ang masaklap pa nito, okey na daw tirhan ang bahay. Hindi lang ito ang naranasan ko, I was bullied by their staffs both in Makati and Cavite. Sobrang pinagtawanan nila ako "ang sabi nila sa kin" ang kapal daw ng mukha ko, kaya daw na delay ang turn-over ng unit ko "kasi di daw ako nagbabayad". Yong Engr. na nangako...aayusin daw ang unit ko within a week. Hahahaha....3 months na saka tumawag, ang sabi niya "binago daw ang lay-out ng unit ko" kaya this week lang daw siya tumawag. Take note, ang sabi pa ng Engr. na ito, na last last daw kami nagkausap, sino kaya kausap niya?.....yong in-charge sa move-in na mga babaeng "wow" super galing sa pagmanipula sa buyers????????
PUBLIC USER
same case din samin. lahat kaming magkakapit-bahay dito sa Masaito Park Infina binabaha kapag naulan ng malakas - baha sa second floor and ground floor. very disappointed talaga - very elementary ang gawa: nagleleak ang CR, hindi pantay na walls, hindi pantay na poste, posteng walang laman, iisang linya ng kuryente sa living room at garage, walang abang sa linya ng internet/telepono, at madami pang iba!

kng magsasampa kayo ng kaso/ or magreklamo sa authorities - makikisabay din kami please. salamat!
PUBLIC USER
Sana may mangyari sa filing mo ng reklamo.. dapat itama ng developer ang sandamakmak na kapalpakan nya dito sa bahay...

Update ko lang.. dahil tag ulan na... ayun as expected... baha sa taas ng bahay namin.. lakas ng tulo.. di lang sa amin pati sa ibang bahay... sabi ni kuyang binayaran namin para mag ayos, di maayos ang pagkakagawa ng bubong... bulok na rin daw yung gutter.. 6 mos pa lang sira na agad.. tsk tsk tsk... dilaw na agad yun kisame namin dahil nababad na sa tubig

Ang supply ng tubig mabaho pa rin... ang mahal ng singil di man lang ifilter ng maayos ni masaito ang deep well nila...
PUBLIC USER
Sabi din sakin noon sa back pero di naman sinabi na kapag di naaprove sa bank mapoforfeit yung binayad ko na DP inabot pa ulit ng one year yung bago ko makalipat sa unit, imbes na 10% lang ang DP nababayaran ko inabot ng 30% kasi di nila sinabi nung inoffer nila to na mapoforfeit ang ibinayad ko kapag di ako naaprove ng bank. nung nakalipag na ako yung nakatambak na lupa sa likod ng bahay ko ayaw nila alisin di daw sakop ng scope nya yun sabi nung engineer so pagumulan ng malakas papasukin yung bahay ko babahain yun. Yung banyo amoy kalawang ang tubig

Reply to Review

Sign-in Required

Please sign-in or register in order to reply to this review.

Sign inRegister